Trahedya
sa Buhay ni Tatay
Salin
ng My Father’s Tragedy ni Carlos Bulosan
Salin
ni Honorato I. Cabrera Jr.
Isang panahon ng tagsalat sa aming buhay. Ang aming palayan
ay sinira ng mga baling na nagmula sa mga karatig na bayan, Nang mawala na ang
mga baling, nagtanim kami ng sitaw, ngunit ito ay nasunog. Umalis ang aking mga
kuya dahil napapagod silang magtrabaho sa wala. Ginawa ng aking ina at mga
kapatid na babae ang magbahay-bahay upang mamasukan, subalit ang bawat pamilya
ay dinaanan ng isang uri ng sakuna, Ang mga bata ay naglalakad sa kalsada at
namumulot ng mga bung ang akasya na nalalaglag sa lupa. Ang mga kalalakihan
naman ay naglalagi sa palengke at gutom na minamasdan ang mga nagtitinda ng
karne. Lahat kami ay naghihikahos sa kakulangan ng pagkain.
Pero ang mga propesyunal na sugarol
ay may mga pera. Umuupo sila sa karinderya at pasigaw nilang sinsabi ang
kanilang inoorder. Habang sila’y kumakain ng kanin at pritong isda gamit ang
kutsara, matamang nagmamasid sa kanila ang mga gutom na lakwatsero’t mga
tambay. Hindi sila gumagamit ng tinidor dahil sumasabit ang dulo ng mga ngipin
ng tinidor sa pagitan ng kanilang mga ngipin. Lagi nillang hinihiwa ng
kutsilyoang kanilang mga labi o dila upang sa gayon ay walang humingi o lumapit
sa kanila. Kung ang weyter ay bago at naglalagay siya ng kutsilyo sa mesa, sila
ay palihim ng magtitinginan at isinisilid nila ito sa kanilang bulsa.
Hinuhugasan nila ang kanilang mga kamay sa malaking mangkok na yari sa kahoy na
may lamang tubig at pinupunasan ng kanilang mukha sa malalaking dahon ng punong
arbor na nangalaglag. Tumatambay din sila sa pampublikong palenke at
naghihintay sa mga taong may pera.
Malapit na ang tag-ulan. May balitang magkakaroon ng taggutom.
Ang mga damo ay di yumayabong at pumapayat ang aming kalabaw. Ang manok na
panabong ni tatay na si Burick ang kaisa-isang malusog sa aming kabahayan. Ang
tatay, sa kaunaway, nanalo ng bahay oara sa amin tatlong taon na ang lumipas,
at inutusan niya ako na ibigay ang napiling bigas. Kinuha niya ang mga
malasadong nilagang itlog sa pinggan ng aking kapatid na si Marcela, na may
sakit na meningitis noong taong iyon. Inihahanda niya si Burick sa malaking
laban, pero dumating ang malaking kapahamakan sa aming bayan. Ang mga pisante
at mayayaman ay naggugugol ng kanilang pera sa pagkain na lamang. Itinigil na
rin ang mga pagpunta sa sabungan upang di matukso; kung pupunta man sila, uupo
lamang sila sa galerya at nakikisigaw, Uuwi silang yuko ang ulo at nanghihinayang
sa perang sana’y kanilang napanalunan.
Sa bawat
araw na walang pakiramdam, nakaupo si tatay sa bakuran kasama ang kaniyang
manok. Hindi siya pumupunta kung saan-saan. Wala rin siya gingagawa. Nakaupo
lamang siya doon, Inaalagaan at eneensayo ang mga paa ni Burick. Tinitingnan
niya ang mga linsad nang balahibo ng manok at inaayos niya ito, saka tatanaw sa
malayo nang may maki at magandang
pangarap. Nang dumating ang nanay na may dalang pagkain, pumunta ang
tatay sa kamalig at umupo doon hanggang gabi. Minsan siya’y natutulog doon
kasama si Burick, pero ginigising siya ng manok sa bukangliwayway sa pagtilaok
nito. Tumungo siya sa bahay at naghanap ng kaning-lamig sa mangkok sa ilalim ng
lutuan. Matapos mailagay si Burick sa kulungan, siya ay natulog sa upuan
maghapon.Mapagpasensya si nanay, Ngunit isang araw ay sinipa niya ang upuang
tinutulugan ng tatay. Lugmok ang mukha niya sa sahig. Tiningnan lang niya ang
nanay at natulog na ulit. Sabay dampot ni nanay kay Marcela. Pumunta sila sa
mga kapitbahay upang humingi ng bigas at sa ibang tao kumuha ng maiinom.
Dumating
sila sa bahay na puno ang putong putong na basket ng nanay.
Tulog pa
rin ang tatay nang sila ay dumating. Pinagsaing ni nanay ang kapatid ko.
Sinabuyan ng malamig na tubig si tatay sa mukha, bigla itong nagising, pagalit
na tumingin kay nanay at tumungo sa kulungan ni Burick. Kinuha niya ang manok
at bumaba sa asota. Umupo siya sa may torso sa bakuran at sinimulang himasin
ang kanyang panabong.
Naglaba
naman si nanay. Pinakain naman ni Fracesca si Marcela ng kanyang sinaing.
Patuloy pa rin ang paghimas ni tatay sa kanyang manok. Galit na ang nanay sa
kanya.
“Yan lang
ba ang gagawin mo?” pasigaw na sabi ni nanay.
“Bakit mo
nasabi sa akin iyan?” sagot ni tatay. “Nag-iisip ako ng paraan para yumaman.”
Binato ni
nanay ang manok ng kapirasong kahoy. Nakita agad ito ng tatay Kaya’t mabilis na
naharangan at naprotektahan iyon. Nasugatan siya sa may bahaging ulo. Tumayo at
sinuri ang manok. Umasta siyang akala mo’y manok ang tinamaan. Tumingin siya
kay nanay na may kaawa-awang mukha.
“Bakit
hindi mo tinitingnan ang iyong ginagawa?” ang sabing yakap ang manok.
“Gusto
kong pilipitin ang leeg ng manok na yan,” sambit ni nanay.
“Yon ang
kanyang swerte,” ang sabat ko.
Matalim
ang tingin ni nanay na bumabaling sa ‘kin. “Tumigil ka diyan, bobo,” ang bara
niya. “ Naging katulad ka na ng iyong ama sa araw-araw.”
Tiningnan
ko ang kaniyang mga mata. Inisip kong siya’y iiyak. Inipit niya ang kanyang
damit sa mga kita at ipinagpatuloy ang paglalaba. Tumakbo akong pababa sa
hagdanan at pumunta sa kamalig kung saan ginagamot ni tatay ang sugat niya sa
ulo. Kinuha ko ang panabong sa kanya.
“Alagaan
mo siyang mabuti anak,” sabi niya.
Opo,
Itay,” ang sagot ko.
“Pumunta
ka sa ilog at i-ensayo ang kanyang mga paa. Bumalik ka agad. Pupunta tayo sa
bayan,”
Dali-dali
akong tumakbo sa kalsada tangan ang panabong, sinisipa ang mga baboy at asong
haharang-harang sa dinadaanan ko. Lumundag ako sa tubig na nakadamit at
lumangoy kasama si Burick. Naglalagay ako ng tubig sa bibig na ibinubuga ko sa
mukha ng manok. Patkbo akong bumalik sa bahay, haplit na inalis ang tubig at
hinubad ang basang damit.
Nagtungo kami ni tatay sa sabungan.
Araw ng
lingo, pero maraming gala at sugarol ang naroroon. May mga pisante at mga guro.
Mayroon din isang estrangherong lalaking may dalang itim na panabong. Galing
siya sa isang karatig-bayan na naghahanap ng suwerte sa aming sabungan.
Ang ngalan
niya ay Burcio, Itinaas niya ang aming panabong at sinipat sa isang mata,
matamang tinitingnan ang mga mata ni Burick. Ibinaba niya sa lupa’t iniyuko,
dinidiinan sa likod ang manok sa kanyang kamay. Sinusuri ang lakas ni Burick.
Nagpalibot namang nagmamasid ang mga gala at sugarol sa amin, pinapanood si
Burcio habang pinapaikot niya si Burick sa kanyang kaliwang kamay.
Sinuri rin
ni tatay ang panabong bi Burcio. Inihagis ito sa ere at minasdan ang paglipad
nito hanggang sa lupa. Tiningnan ang pakpak ng panabong. Tumigil sa pagtilaok
ang itim na panabong dahil sa mga tambay at kinamot na lang ang leeg sa kanyang
tuka.
Dinampot
ito ng tatay at inilabay ang pakpak. Pinakiramdaman ang lakas na nakatago sa
ilalim ng mga pakpak/balahibo.
Alam ng
mga istambay na isa iyong magandang laban. Binilang nila ang mga pera sa
kanilang mga bulsa nang patago sa kanilang mga kapitbahay. Sinalat nila ang
gilid ng kanilang mga barya sa bulsa nang mabilis at tama. Isang malakas na
amplipayer lamang ang nakakapagtala sa tunog ng mga barya sa pagitan ng mga
binging daliri. Ang maingat na kaluskos ng mga perang papel ay di maririnig.
Nagsikalat at nagkubli ang mga pisante sa puno ng niyog. Inilabas nila ang
kanilang mga panyo at binilang ang kanya-kanyang pera. Tinupi ang kanilang
perang papel sa kamay at bumalik sa karamihan. Hinintay nila ang huling
desisyon.
“Maaari
bang ganapin sa darating na Linggo?” tanong ni Burcio.
“Masyadong
matagal yon para sa aking si Burick,” sabi ng tatay. Ang kanyang kamay ay
kusang tumutungo sa kanyang bulsa. Pero wala itong pera. Iniikot ang tingin sa
mga katoto.
. Dalawang
pisante ang humawak sa kamay ng tatay at may ibinulong sila sa kanya. May
iniipit silang pera sa kamay niya at itinungo nila ito papunta kay Burcio.
Pinipilit niyang estimahin ang pera sa kanyang kamay sa pagsalat dito. Isa ito
sa kaniyang paraan pagdating sap era. Nalaman niya kaagad na siya ay mayroong
dalawampung piso. Biglang nagkapag-asa ang kanyang mukha.
“Sa darating na Linggo ay ayos’ ang kanyang tugon.
Nagsimulang
magg-alisan ang mga litong tao. Ang iba ay nagpunta kay Burcio at nag-abot ng
pera.
Ang iba
nama’y kay tatay. Hindi sila mananaya, sila’y imbestor. Ang pera nila ay
pansuporta sa mga panabong sa sabungan.
Bago
magtakip-silim ay naiayos na ang laban. Bumalik kami sa bahay nang may inaasam
na pag-asa. Inilagay ni tatay si Burick at inutusan akong pumunta sa palaisdaan
sa kabila ng ilog. Tumakbo ako sa kalsada na masayang-masaya. Nakita ko ang
palaisdaan sa may ilalim ng puno ng camachile. Iyon ang paboritong puntahan ng
mga suso at hipon at uwuwi na ako sa bahay.
Nagluluto
si nanay ng masarap na ulam. Nalanghap ko agad ito sa labasan pa lamang ng
bakuran. Tumakbo akong papasok sa bahay at iniligwak ko sa sahig ang mga suso’t
hipon. Nagluluto pa rin ang nanay. Hinahalo niya sa sandok ang kumukulong
palayok. Tulog parin si tatay sa upuan. Pinapakain naman ni Francesca si
Marcela ng mainit na sabay. Inilagay ko ang mga suso’t hipon sa isang palayok
at umupo.
Nagluluto
ng manok na may amapalaya si nanay. Nakaupo akong nagtataka kung saan niya iyon
kinuha. Alam kong wala na ring laman ang manukan sa aming lugar. Wala ring
manukan sa bayan. Idinilat ng tatay ang kanyang mga mata nang marinig niya ang
kumukulong putahe sa palayok.
Inihain ni
Nanay ang isang malaking bandehadong gawa sa kahoy na puno ng kanin. Pinuno
niya ang aming mga pinggan ng karneng manok at luya. Kaagad na tumayo si tatay
at tumungo sa hapag-kainan. Umupo si Francesca malapit sa lutuan. Aktong inaabot
ng kamay ni tatay ang mga kalayuang pinggan na naglalaman ng manok nang
bulyawan ng nanay. Sinabi niyang maging pino sa harap ng pagkain. Inilagay na
naming ang aming mga paa sa ilalim ng mesa at nagsimula na kaming kumain.
Iyon ang
unang paglasap namin ng manok sa matagal na panahon. Pinuno ni tatay ang
kanyang plato at kumain lamang ng kaunting kanin. Karaniwan, siya ay kumakain ng
maraming kanin kapag ang ulam ay inasinang isda at talbos ng mga dahon. Madalas
kaming kumakain ng talbos bilang pang-ulam. Inihilig ni tatay ang kanyang
pinggan at hinigop ang sabaw na parang umiinom ng alak. Inilagay niya ang
walang lamang pinggan malapit sa palayok at humingi pa ng karne. “Masarap itong
manok” sambit niya.
Napakatahimik
naman ng nanay. Inilagay niya ang pitso sa pinggan at sinabi kay Francesca na
ibigay ito kay Marcela. Ako naman ay inabutan niya ng ampalaya. Isinawsaw naman
nii tatay ang kaniyang kamay sa palayok at kinuha ang hita ng manok.
“ Saan mo
ba kinuha ang magandang manok na ito?” ang usisa niya.
“Saan sa
iyong palagay ko kukunin ang manok?” sabi ng nanay. Biglang nahulog ang hit ang
manok mula sa kaniyang bibig. Gumulong iyon sa kawayang sahig at bumagsak sa
lupa. Sinamsam iyon ng aming aso at itinakbo. Nagimbal sa pagkabigla ang parang
naghihingalong mukha ni tatay dahil sa narinig. Nagmamadaling tumungo sa labas
ng bahay. Naririnig kong tumakbo siya palabas ng kalsada. Patuloy sa pagkain
ang kapatid ko, pero nawalan na ako ng gana.
“ Ano bang
ginagawa mo anak?” usal ng nanay.” Kainin mo ang manok mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento