Si
Nemo, Ang batang Papel
Rene o. Villanueva
Si
Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit
sakapinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila
saklase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa
silid.Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop. Isang
araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya
sa labas si Nemo. Nagpalutang-lutang sa hangin si Nemo. Naroong tumaas siya;
naroong bumaba.Muntik na siyang sumabit sa mga sanga ng aratiles. Nang mapadpad
siya sa tabi ng daan, muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan.
Inangilan siya ng dyip.Binulyawan ng kotse.At sininghalan ng bus. Mabuti na
lamang at napakagaan ni Nemo. Nagpatawing-tawing siya sa hangin bago tuluyang
lumapag sa gitna ng panot na damo sa palaruan. Nakahinga nang maluwag si Nemo.
Ngunit nagulantang siya sa dami ng nagtatakbuhang paa na muntik nang makayapak
sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila!
Araw-araw,
tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Kaya naman humiling
si Nemo na maging isang bata. “Bituin, bituin, tuparin ngayon din
Ako’y gawing
isang batang masayahin! . Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman
niyang parang umiikot ang paligid at nagkakagulo ang mga busina ng sasakyan.
Totoong bata na si Nemo! Pagdilat.. Napunta siya sa isang pamilya na masasabing
may bahay ngunit walang kabuhayan. Ang
ina ay payat na payat, ang Ama ay walang trabaho at may kapatid siyang walo na
nag-iiyakan dahil wala nang makain. Palakad-lakad si Nemo sa kalye. Hindi niya
pansin ang mga humahagibis na bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na
dyip. Isip siya nang isip kung paano makakatulong sa kaniyang totoong pamilya.
Samakatuwid, naranasan niya ang ibat ibang mukha ng kahirapan tulad ng magulong
pamilya na wala nang makain at ang
malupit na paaralan. Nagtatakbo siya nang nagtatakbo hanggang sa makarating ng
dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At
kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya.Kaya’t
minabuti na lang ulit niyang humiling
kasama ang ilang batang nakararanas ng kaniyang nararanasan..
Matutupad lamang ang kaniyang hiling 9kapag hiniling sa
pinakamalayong bituin. Sabay-sabay silang tumingala sa pinakamalayong bituin sa
langit at hiniling nila ang lahat ng ito.“Bituin, bituin, tuparin ngayon
din.Lahat kami’y gawing batang masayahin.”. Sa isang iglap, lahat sila ay
naging batang papel. Inilipad sila ng hangin.Kay gaangaanng kanilang
pakiramdam. Kay saya-saya nila dahil malayo na sila sa magulong pamilya,
malupit na eskuwela, at maingay na kalsada. Nagtaka ang mga taong nakakita sa
palutang-lutang na mga batang papel. Maramiang naawa sa kanila. Pero ang hindi
nila alam, mas maligaya na ngayon ang mgabatang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga
totoong bata na kailangang makibaka at mabuhay sa malupit na kalsada at
magulong pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento