Sabado, Marso 25, 2017

Kahiwagaan
Ni Pablo N. Bautista

May mga pangyayaring mahiwaga sa  ating buhay, mga pangyayaring kung hindi lamang naganap sa ati’y halos di natin mapaniwalaan.
Yaon ang buod ng isang aklat ng paham ng Hudeo na di sinasadya’y aking nabasa.
Nahikayat ako ng  kanyang mga paliwanag sa kahiwagaaan ng kalikasan, at nakalingatan ko na tuloy na maaring tumawag sa telepono si  Magdalena. May matibay na paniwala ang paham ni Hudeo sa kaluluwa ng tao at sa tibay ng pananampalatya. May sarili siyang paniwala sa mga pangyayaring pangkatalagahan, tulad ng pagbagsak ng meteor, ang pagkakaroon ng mga buntala at lindol. Sa bahaging tinatalakay niya ang kamatayan at mga kaluluwang nagbabalik ay sinagilahan ako ng bahagyang agam-agam. Gayunpama’y ipinagpatuloy ko ang pagbasa. Ang paraan niya ng paglalahad ay may pambalani, at yao’y isang bagay na nagpapatingkad sa kahiwagan ng kanyang paksa. Subali’t nang umabot na ako sa  bahaging pinapaksa niya, ang mga maligni, ay biglang- bigla kong binitawan ang aklat. Lumagapak yaon sa sahig bukas pa rin sa huling pahinang binabasa ko.
   Ako’y  hindi sadyang matatakutin, nguni’t ngayon, ang sagila ng pangamba’y unti-unting tumatalab sa akin.
               Sa labas, ang kalikasa’y may tinig na Sali-salimuot. Lumalakas ang hangin at ang hagunot nito’y ipinapakilala ng naglalangitngitang mga lumang haligi ng aming matandang bahay. Sumasama ang panahon, at aywan ko kung anong kutob ang pumukaw sa akin, para bang nagbabalang may mangyayari sa gabing yaon.
                Nag-iisa sa maluwang na silid. Ang silid na ito’y luma, napapalamutihan ng mga kurtinang bughaw, na ngayon, sa kadiliman, ay makutim sa paningin. Sa tapat ko ay nakasabit ang isang malaking orasang lagging tumutugtog ng ikalabindalawa: sa kalumaa’y hindi na maayos ang pagbabalita nito sa oras. Sa kinakaliwa ko’y naghuhumindig ang isang itim na aparador na may buo at nagingintab na salamin. Mula sa aking kinauupua’y nakalarawan sa salamin ang aking mukha: karaniwan, kayumanggi, hawas, mga matang malungkutin at waring nag-uusisa; paghihinalang mga tatlumpung  taon na nguni’t kalian lamang nagdalawampu’t lima.
                   Sa salami’y nakahantad din ang isang nakasabit sa  aparador. Yao’y isang malaking kuwadro na kinalalagyan ng buhay na buhay na larawan ng aking ama-amahang Hebreo: ulong nakapugong, mga labing ikom na ikom. Ang kabuuan niyo’y larawan lamang. Sa sandaling tinatanaw ko ang larawan’y parang  kong napansing yao’y gumalaw, para akong napansing ang mukha’y natinag. Subali’t hindi magkakagayon. Yao’y isang larawan lamang. At saka , patay na ang aking ama-amahang Hebreo. Ngayon ang ikalabintatlong gabi ng kanyang pagkamatay.
                         Labintatlong gabi na siyang patay nguni’t parang buhay pa siya. Waring narito pa sa silid ang kanyang katauhan, parang gumagalaw siya sa kabuuan ng silid na ito.
                        Sa tabi ng malaki at itimang aparador ay nakalahayhay ang maraming aklat. Yaon ang katipunan ng aklat ng aking yumaong ama-amahan: maiitim na ang pabalat niyon at matitiyak na mga luma na, ang mga salitang nakalimbag sa takip ay Latin bagama’t sang-yon sa aking ama-amaha’y sa iba’t ibang matatandang wika nasusulat yaon. Malapit sa halayhay ng mga aklat ang hapag na kinappapatungan ng isang lumang telepono. Yaon ang ginagamit ng aking ma-amahan sa pakikipag-usap sa mga tumatawag sa kanya kung gabi.
                        Noon pa manga raw ay sinasabi na niya sa aking mahiwaga ang kanyang mga aklat. Sinasabi niyang yao’y nauukpl sa paniniwala niya sa pananampalataya, sa kahiwagaan ng kalikasan at ng kaluluwa ng tao.
                        Kapag inusisa  ko ang sinasabi niyangg kahiwagaan ay hindi niya ako tinutugon. Sinasabi niya sa akin: “Diego, inampon kita mula nang ikaw ay maliit pang naulila sa mga magulang. Kung sasabihin ko sa iyo ang mga kahiwagaang iyan ay hindi magiging mahiwagan sa iyo. Kaya lamang maganda ang buhay ay may kahiwagaang nais mong mabatid.”
                         Iyan ang sinasabi niya sa akin sa kanyang wikang natutuhan ko na rin sa loob ng panahong ipinagsama namin. Dalawa lamang kaming niya sa bahay- si Damaso, na isang utusan,at ako. Kami ang katulong niya sa pamumuhay. Ang kanyang pinagkakakitaan ay magaang gawain. Sa mga bahay-bahay ng kanyang kalahi ay nagtutungo siya tuwing Linggo  at kinakaniig ang sinumang nais humingi ng basbas sa loob ng tatlong oras. Inihahatid  namin siya ni Damaso. May isang tilburi kami  at ako ang nagpapalakad niyon. Si Damaso ang nag-aalaga ng kabayo.
                        Ukol sa pananampalataya, minsan ay narinig ko sa kanya ang ganito: “Walang makakapagsabing ang isang pangkat ay siya nan gang biniyayaan ng Makapangyarihamh. Kinakailangan niyang maghanap ng landas. Ang landas ay nasa pananalig.”
                        Kung itinatanong ko sa kanya kung ano ang kanyang  pananampalatay ay hindi niya sinasabi sa akin.
                        Hindi ko malaman kung bakit para niyang  nahuhulo pati ang aking kalooban. Marahil  ay napapansin niyang hindi ko pinag-uululan ng pag-aaral ang kanyang mga paniniwala.
                        Ang bagay na yao’y natuklasan niya isang araw. Naratnan niya akong nagbabasa ng isang aklat ukol sa paniwal ng isang ateo.
                        Sa unang pagkakataon ay nakita kong nanlilisik ang kanyang mga mata; naginig siya sa tinitimping poot, nangangatal pati ang kanyang putting balbas. Bigla niyang inihagis ang aklat sa durungawan. Pagkatapos, aywan ko kung bakit, bigla siyang nanangis. Hindi lamang yaon ang ipinagtataka ko. Ako’y kanyang niyakap at sinabi  niya sa akin: ‘ Diego, nabigla ako. Dapat igalang ko ang iyong paniwala. Ngunit gayari ang akning masasabi. Makikilala mo rin ang landas kapag dumating ang takdang panahon”.
                           Ngayon, sa aking pag-iisa sa silid na ito, alaala na lamang ng akinng ama-amahang Hebreo ang nagbabalik. Ayaw ko sanang mapag-isa, ayaw ko sanang mangulial sa bahay na ito lalo na ngayong sumasama ang panahon. Sana’y narito na lamang si Damaso o kaya’y may kausap ako sa telepono. Mula nang mamatay ang aking ama-amaha’y mamasukang sereno si Damaso, sa isang matandang manggagamot na nakatira  sa lumang bahay na di kalayua n kina Magdalena. Sadyang nais kong narito si Damaso, hindi naman dahil sa ako’y natatakot, ngunit may mga bagay na sinasabi sa amin ni Damaso ang yuamo bago tuluyang sumakabilang buhay…… Yaon ang pinangangambahan ko.
                       Bilang pag-aaliw ay nagbabasa ako ng aklat na gustong gustong basahin ng aking ama-amahan. Una kong binasa ang isang aklat na nauukol da pananalig ng tao sa kanyang pananampaltaya, yao’y hindi ko matagalang basahin. Sumunod kong binasa’y nauukol naman sa mistisismo at sa mga paniwala ng mga mistiko. Kinutuban ako. Ikatlo kong binasa’y ang aklat ng paham na Hudeo, yao’y binitiwanko- ngayo’y bukas pa rin sa huling  pahinang binabasa ko nang yao’y bumagsak sa sahig.
                        Tumunog ang matandang orasa. Buong labindalawa ang tugtog sa kanyang pinagsesernuhan kanginang gumagabi ay ibinubulong pa niya sa akin: “ Diego, ngayon ang gabing itinakda. Ikalabintatlong gabi ngayon.”
                        Mula sa aking kinauupua’y tumindig ako. Laganap sa karimlan. Wari bang ang bagwis niyon  ay namamayagpag- naririnig sa buoong paligid ang mabagsik na paghuhumugong ng hangin, waring tinig ng nagsusungit na panahon, waring babala ng anumang maaring manyari. Sa hanay na kinatitirikan ng lumang bahay na ito’y wala nang nakabukas na ibang tahanan. Mangilan-ngilan lamang ang bahay sa purok na ito. Sa mangilan-ngilang yao’y magkakalayo pa. wari bang mga ulilang tanod na naglalamay sa kadiliman. Sa isip ko’y para kong natatanaw ang ulilang bahaay ng matandang manggagamot na pinagsesernuhanni Damaso. Sa tabi niyo’y may isang malaki-laking gusaling simbahan ng mga nanalig. At natitiyak ko na sa oras na yao’y pinid nang lahat ang mga bahay, wari  bang natatakot sa karimlan.
                        Bumaling  ako. At napadako ang aking paninging galling sa dilim ng larawan ng aking ama-amahan. Nagyo’y hindi koi big paniwalaaan ang aking sarili: ang larawa’y parang natinag, gumalaw. Ang matang maiitim at mahiwaga ay parang lalong napatuon sa akin, katulad na katulad noong huling oras na malapit nang dumating sa kanya ang kamatayan.
                        Hindi ko alam na siya’y may-saakit, ngiuni’t nang gabing yaon, kalaliman din ng  gabing tulad nito ay ginulantang niya ako sa pagkakahiga.
                        “Diego,” parang narinig kong tawagniya. Malamig at naunuo’t ang tinig. Malamig na malamig ang kamay na dumampi sa aking pisngi. “ Diego, gumising ka.”
                        “Bakit po, Ama Hosep?”
                        Sa paninhin ko noo’y lalong mahiwaga ang kanyang maaitim na mata, sa tingin ko’y waring iba ang kaanyuan ng kanyang mukha. Ang kanyang paghinga’y madalang, at nalanghap ko ang kakaibang samyo, para bang samyo ng mga bulaklak, para bang samyo ng pambihirang kamanyang, samyong para noon ko lamang naamoy.
                        “ mamatay ako, Diegoo,” anya. Malamig  at panatag ang kanyang tinig.
                        Napabalikwas ako noon at bigla kong hinarap ang aking ama-amahan.
                        “Huwag kang mabigla. Daraating na ang aking oras.”
                        Ang nakahawak niyang kamay sa akin ay lalong naging malamig at ang mukha,- a, ang mukhang yaon- panatag na panatag, mahinakong- mahinahon sa harap ng kamatayan.
                        “Iiwan ko sa iyo ang bahay na ito at ang aking mga aklat.”
                        “ Nagbibiro kayo,  Ama Hosep.”
                        “ Ingatan mong mabuti ang mga aklat kahit pagkagiba ng bahay na ito, kakailanganin mo ang mga aklat,”
                        Noon, ang aking ama-amahan ay tumitig sa akin, yaong titrig na parang hindi na magwawakas, yaong titig na,-o, paano ko mailalarawan ang kabuuan ng titig na yaon. Noon , marahan niyang sinabi: “ Mamamatay ako sa silid na ito sa ganap na ikalabindalawa ng gabi.”
                        Bumitiw ako sa pagkakahawak ko kay Ama Hosep. Dinama ko ang aking mukha upang    matiyak na ako’y hindi nananaginip o kaya’y nahihibang. Hindi na ako nananaginip. Sumigaw ako.
                        “ Damaso! Damaso!”
                        Nguni’t parang walang lumalabas na salita sa aking bibig, parang akong biglang naumid. Muli akong sumigaw. Kaginsa-ginsay nabuksan ang pinto, at sa isang tao ang mabilis na pumasok. Dala-dala nito ang itim na krus.
                        “ Tumawag ka ng doctor, Damaso… Bakit ka may dalang krus Damaso?”
                        “ Alam niyang kailangan ko ang krus,” mahinahong tugon ni Aamng Hosep, “ Halina, Damaso. Manainga kayo ni Diego.”
                        Magkalapit kami ni Damaso. Hinahawakan ko ang kamay ni Damaso upang muling tiyakin kung ako’y hindi magulantang o nahihibang. Nguni’t wasto ang aking pakiramdam. Hawak- hawak ko ang kamay ni Damaso. Nguni’t nang tingnan ko- ang kamay ni Ama Hose pang hinahawakan ko.
                        “ Diego, isang bagay lang hihilingin ko.”
                        “ Ano po iyo?”
                        “ Itago mo ang jkrus na iyan sa iyong baul at tuamlaga sa anumang mangyayari  sa ikalabintatlong gabi.”
                        Noo’y idinampi niya ang kanyang nanlalamig na kamay sa aking pisngi. Matagali niyang pinamalagi roon ang kanyang kamay.
                        “ Damaso,” baling niya sa utusan, “ isang bagay  rin ang hihilingin ko sa iyo. Isabit mo  sa silid na ito ang larawan ko at magpako sa ibabaw niyon ng isang krus.”
                        Pagkaraan ng ilang sandali’y nandalang ang paghinga ni Ama Hosep. Halos di ako makapaniwalaang sa loob ng ilang sandal lamang ay buglang magbabago ang kanyang kalagayan, na ang ilang sandaling yao’y magiging pagitan ng kanyang buhay at  kamatayan.
                        Ang krus ay mahigpit niyang hinahawakan, matagal na hinawakan at saka dahan-dahang idinampi sa kanyang labi.
                        Ang sumunod na pangyayari’y hindi ko halos mapaniwalaan; pagtugtog ng labindalawa sa lumang orasan ay nalagutan na siya ng hininga. Kagya’t kong tiningnan ang aking orasang pambulsa- ganap ng ikalabindalwa! Ang iba’y karaniwan na sa akin- tinupad ni Damaso ang utos sa kanya, nguni’t ang sa akin, aywan ko kung bakit hindi ko matupad. Marahil dahil sa katutubo kong takot o kung anumang damdamin yaon laban sa  mga krus.
                        Ang krus ay itinapon ko sa kasukalan. Isang gabi’y niyaya ko si Damaso. Sinabi lo sa kanyang may gagawin lamang ako sa kasukalan. Naiwan siya sa tilburi. Malapit sa tinitirhan ni Magdalena nag pinagbaunan ko niyon. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako mapalagay king nakikita ang krus na itim na yaon, hindi ko malaman kung bakit may katutubo akong pagkabalisa sa harap ng isang krus. Ang krus sa ibabaw ng larawan ni Aamng Hosep ay hindi ko matitigan: natatakot ako. Iisang bagay lamang ang sinusunod ko ngayon- ang tumlaga sa anumang mangyayari sa ikalaabintatlong gabi kung kaya ako nakatatagal sa silid na ito.
                         Ang  damdamin ko laban  sa mga krus ay nasabi ko narin kay Magdalena, isang matapat  na kaibigan. Yaon ang dahilan  kung bakit naging malupit siya sa kain. Kailangan daw mabago ang aking naliligaw na damdamin. Tutulangan daw niya akong tumawag sa kanyang Makpangyarihan. Bagaman hindi ako napaninibulos sa kanyang mga pananalig ay biniyayaan ko siyang magpaliwanag ukol sa kanyang pananampalataya, sa kanyang wagas na paniniwala. Kung siya’y nagsasalita ay wari bang wala munti mang agawm agam ang kanyang kalooban.
            O, kung mapapawi lamang ang agam-agam ko s asandaling ito!
            Nagambala ang aking pagninilay nilay nang biglang humuni ang kabayo sa silong. Yaon ang kabayong isinisingkaw namin ni Damaso sa tilburi. Aywan ko kung bakit nabulahaw ang kabayong dati’y ni hindi naglilikot.
            Nagpalakd-lakad ako sa silid. Ngayon, ang sarili kong yabag ang lumikha ng mumunting ingay na nakikisalamuha sa ingay ng huamhagunot na hangin  sa labas. Ngayo’y hindi lamang hangin ang sumasabol sa matandang bahay. Sumanib ang umaatik na ulang itinataboy ng hangin at yao’y lumilikha ng alingawngaw sa karimlan.
            Pinilit kong huwag mapadako ang aking paningin sa larawan ni Ama Hosep, inaalo ko ang aking sarili; walang  mangyayari, guniguni ko lamang ang mga bagay na gumagambala sa akin. Nguni’t hindi ko malaman kung anong hiwagang panghikayat mayroon ang larawang yaon. Bahagya akong bumaling at sinulyapan ang larawa. Gaya  rin ng dati- mga matang parang buhay na buhay, maitim at mahiwaga, mukhang parang gumagalaw habang tinitigan.
             Muling tumugtog ang matandang orasan. Tiningnan ko. Halos bahagya pa lamang natatapos ang huling ulinig ng matandang orasan ay biglang gumuhit ang isang matunog na kriing. Matulin akong nagtungo sa telepono.
            Kinakabahan ako kung paao at mandi’y nasasabik ding kung paano. Iniangat ko ang lumang awditibo.
            “ Hello….” Tawah ko.
            Sumandali akong maghintay. Sa simula’y tinig na halos bahagya lang maulinigan ang tila tumugon sa kabilang kawad. Lalo kong inilapit ang panainga ng telepono.
            “ Diego,” aang nasa kabilang kawad. Mahinang mahina.
            “ Sino ba ito?” humihingal ako.
            “ Daluhan mo ako. Kailangang- kailangan. May  malubhang pangyayari.”
            “ Sino k aba at ano ang nagyayari?”
            “ Wala nang panaahon. Dali ka sana.” 
            Yaon lamang. Wala narinig kundi ang pagbaba ng telepono, nguni’t ang tinig ay waring nanunuot sa aking pandinig, mahina , malamig, mahiwaga.
            Sa sandaling yao’y lalong nag-ibayo ang aking alalahanin. Nagtatalo ang aking kalooba. Masama ang panahon. Iisa lamang ang kakilala kong nakakaalam ng numero ng teleponong ito- tanging si Magdalena. Ano kaya ang nangyari kay Magdalena. Bunsod ng katanungang yao’y madali akong nagbihis.
            Sinisikap kong pasiglahin ang aking sarili. Sumisipol sipol pa ako. Subali’t walang tunog na lumabas.
            Hindi ko pinatay ang ilaw. Dahan-dahan kong ipininid ang pinto, at bago ako tuluyang nanaog ay panakaw pa akong sumulyap sa larawan ni Ama Hosep. May natanaw ako parang kumislap sa ibabaw ng larawan. Dali- dali kong ipininid ang pinto. Sinalubong ako ng masinsing hagupit ng hangin. Ang itiman kong balabal ay ikinulandong ko sa aking  mukha at ikinambit sa aking katawan.
            Ilang sandal pa, ang tiburi’y sumasagasa na sa karimlan. Ang lampara ng tilburi ang tanging liwanag na humahawi sa nakalaganap na dilim, waring titis na sumusunog sa malalapad na bagwis ng karimlan. Nguni’t pagkatapos, ang dinaana’y nanunumbalik sa pusikit na kawalang-liwanag.
            Malayo-layo na ako sa bulaos ng matandang bahay ay para ko pang natatanaw yaon isang lumang balangkas na animo’y kalansay na lamang ng isang gusali.
            Habang daa’y itinatanong  ko sa aking sarili kung ano kaya ang nangyari kay Magdalena. Hindi ko matiyak kung siya na nga, ngunit wala akong nalalamang ibang tatawag. Marahil ay sadyang may malubhang pangyayari. Pinatulin ko ang kabayong puti. Lalong tumingkad ang kaputian ng  kabayo sa karimlang dinaraanan ng tilburi.
            Magalaw ang ulo ng kabayo- waring linalabanan nito ang malakas na ulan at sumasabol na hangin.
            Malapit na ako kina Magdalena. Marami- raming bahay sa gawing yaon.mula roo’y natanaw ko ang isang matandang gusaling pinagsesernuhan ni Damaso. Yao’y isang lumang bahay na tinitirhan ng matandang manggagamot. Mula roo’y naaanag-agan ko ang naghuhumindig na krus sa tore.  Aywan kung bakit sa sandaling tumanaw ako sa krus ay parang nakakita ako ng humagkis na liwanag. Itinuon ko roon ang aking paningin at niloob kong sana’y hindi totoo ang aking nakita, na yao’y bunga lamang ng aking guniguni. Wala na akong nakitang ibang pang kislap.
             Sumisidhi ngayon ang aking  pangamba. Sinisikap kong paglabanan ito. Hinugot ko ang latiko at hinagupit ang kabayo. Subali’t sa halip na tumulin ito’y biglang- biglang tumigil. Inasbaran ko ng sunod sunod. Ang kabayo’y umiigtad lamang sa bawa’t  hagupit nguni’t ayaw tumakbo.
            Sa kabila ng papalakas na hangin na ngayo’y sinasaniban ng papalakas na ulan ay naramdamankong nagpupuyos ang pawis sa aking noo, yao’y naramdaman kong tumatagistis sa aking pisngi. Nanulay sa pisngi ko ang nanunuot na lamig. Sinlamig ng kamay ni Ama Hosep nang idampi sa akin bago sumakabilang- buhay.
            Kaginsa-ginsa, animo’y sa isang bungang –tulog, isang anino ang natanaw kong tumatakbo buhat sa matandang gusali. Lmatuling lumalapit ang anino at aywan ko kung tama ang aking hinuha, palagay ko’y sa akin patungo ang aninong yaon- kung sinuman siya.
            Sa sanndaling yaon, aywan ko kung bakit, biglang- bigla kong naiusal: Tulungan mo po ako…. Sa sandaling yao’y naalala kong sa kasukalan ng pook na ito itinapon ko ang krus, at sa pag-iisip ko nito’y kung bakit nanaig sa akin ang walang pangalang takot- sa kung kangino’y hindi ko rin alam.
            Narinig ko ang mga yabag- papalapit na ang isang tumatakbo. Muli kong hinawakan ang latiko at hinagupit ang kabayo. Nais kong lumayo sa pook na itong pinagtapunan ko ng krus, hangad kong tumakas sa pook na itong kinatatanawan  ko ng krus sa simbahan. Nguni’t ang kabay’y nanatiling umiigtad lamang sa aking hagupit.
            Itinalaga ko ang aking saril sa anumang pangyayari, ipinaubaya ko sa anumang kapalarang maaring dumatal sa akin.
            Nang malapit ang anino’y hindi ako halos makapaniwala. Iniisip kong ako’y dinadaya lamang ng kadiliman, na ako’y hindi nakakakita nang maayos. Kinusot ko muna ang aking mga mata upang matiyak na ako’y hindi nawawalan ng pakiramdam.
            “Diego,” humihingal na tawag ng dumating. Lumapit siya sa akin. Nakabalabal ng puting-puti.
            Sa liwanag ng lampara’y matagal niya akong tinitingnan. Pagkatapos, iniabot niya sa akinang isang bagay na nakabalot. Naginginig ang kanyang kamay, aywan ko kung sa ginawo sa  umaaling takot.
            “ May nagpapabigay sa iyo,” anya
            “ Ano ito?” tanong ko at alinlangan kong hawakan ang kanyang iaabot.
            “Buksan mo.”
            Sandal akong natigilan nguni’t may kung anong makapangyarihang lakas na nag-udyok sa akin upang tingnan yaon- kung anuman yaong nababalutan ng itimang paha.
            Dahan-dahan kong binuksan.
            Sa sandaling yao’y hindi  ko na alumana ang lalong pagpupuyos na ulan. Ang tanging tumawag sa aking pansi’y ang aking nakita. Ang  una kong ginawa’y hawakan ang kaharap ko upang matiyak ko na siya nga ay tao at hindi kaluluwang kaharap ko. Ang ikalawa kong ginawa ay salatin ang aking mukha upang tiyakin kung ako’y nagkamaling ako’y buhay at may matinong pag-iisip. Ang ikatlo kong ginawa’y ang magtanong sa sarili kung ako’y hindi nananaginip o nahihibang. Nguni’t ako na rin ang tumugon sa aking katanungan: Ako’y buhay. Nasa harap ko si Damaso. Wasto ang aking pag-iisip at ako’y hindi nananaginip. Pagkatapos niyo’y natiyak ko na rin- krus ang hawak hawak kong nakabalot sa itimang  paha, at hindi karaniwang krus- yaon ang krus na itinapon ko sa kasukalan ng pook na yaon.
            Sa harap ng mga pangyayaring ito’y parang namanhid na ang aking kamalayan, waring nakatalaga na ako sa lahat ng kahiwagaan, waring nakahanda na ako sa ano pa mang hindi sukat asahan. Nguni’t kung anuman ang ayos ko noo’y nahihiwatigan ko lamang sa ayos ng mukha ni Damaso- nakamaang siya sa akin, malaki at bilugan ang kanyang nakamulagat na mga mata.
            “Sino ang nagbigay sa iyo nito?”
            Isang malakas na bugso ng hangin ang nagsaboy ng malalamig na patak sa aking mukha, at si Damaso’y nagtakip ng kanyang kulandong na puti. Nang siya’y magsalita ay naginginig ang kanyang tinig.
            “Isang matandang di ko nakikilala.”
            Nahawakan ko siya sa balikat.
            “Kailan ibinigay sa iyo?”
            “Kangina lang.”
            Napahigpit ang paghawak  ko sa balikat ni Damaso, para bang nais kong pakausisain kung siya’y nagsasabi ng katotohanan o hindi. Nguni’t ang kanyang mukha’y kinababakasan ng katapatan.
            “Saan ininigay sa iyo?” lumunok ako ngunit ang aking gawi’y tuyo ang aking lalamunan.
            “ Ako’y inutusan ng matandang manggagamot sa may simbahan. Doo’y may nagbigay sa aking niyan.”
            “ Tiniyak bang sa akin ipinabibigay?”
            Hindi tumugon si Damaso. Muli niya akong tinignan. Sa kanyang mukha’y  umaagos ang patak ng ulan, nakakunot ang kanyang noo, marahil ay sa matinding ginaw.
            “ Sa iyo ipinabibigay,” kapagkuwa’y bulong niya.
            “ Paanong nalamang narito ako?” mabilis ang aking pagkakanigkas ng tila ba naghihintay ng gayunding katuling katugunan.
            “ Sinabing madaratnan kita rito. Nakasakay ka raw sa tilburing nakahinto.”
            Dahan-dahang kumalas ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat. Humahagunot ang hangin. Yao’y parang nagngangalit na tinig ng kalikasan. Ang bagwis ng kadiliman ay waring nag-uumugong, tanging ang maliit na lampara ang ulilang bantay na liwanag.
            “Umalis tayo rito, Damaso.”
            Nang hawakan ko ang riyenda ay biglang nagulantang ang hayop. Naglulundag ito at humuning parang nahihintakutan, paurong. Lumundag kami sa tilburi.
            Noon, aywan  kung dahil sa anong makapangyarihang lakas, ang hangin ay animo’y di makitang marahas na pamalo ngkalikasang humahagupit sa paligid. Ang ulan nama’y parang tumutulong  tubig sa isang  dumarambang talon. At kaginsa-ginsa, ang lupa’y yumanig….yumanig…yumanig…. parang niyuyugyog ang isang di- makitang  makapangyarihang kamay, parang ibinubunsod ng isang nagngangalit na lakas na sumusubok sa tatag ng lupa.
            “ Lumilindol,” sigaw ni Damaso.
            Ang lakas ng nag-aalimpuyong hangin at papalakas na pagyanig ng lupa’y gumimbal sa akin… lumito sa akin… tumakot sa akin. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Lalong naging pusikit ang karimlan, lalong dumahas ang pagsusungit ng panahon.
            “ Takbo na ! Mamamatay tayo rito!” sigaw ni Damaso, at bigla nang pumulas ito na animo’y isang takas na naghahanap ng kanlungan.
              Di-kaginsa-ginsa, buhat sa malayo’y narinig ko ang isang rumaragasang pagbagsak, nagngangalit, kagyat at walang habag. Sa sangkisap- mata’y gumuho  ang isang lumang bahay sa gulod…. Ang aming matandang bahay.
             Matulin na rin akong tumakbo. Tinugaygayan ko si Damaso. Sa paligid nami’y hindi magkamayaw ang pagpapalahawan, at di- kaginsa-ginsa, sa iba’t ibang panig ay nagsilitaw ang nagpapanakbuhang mga tao. Sila’y nangagsisigawan, nagpapanangisan, nananawagan sa isa’t isa….
            Ang mga tao’y parang hugos na tumatakas na naghahanap ng tagapag-andukha sa gitna  ng marahas na panganib. Si Damaso’y nagitna sa karamihan at hindi ko na natanaw. Patuloy ang hagupit ng hangin. Patuloy ang pagyanig ng lupa. Patuloy ang pagpapanakbuhan ng mga tao sa simbahan. Patuloy ang pagpapalahawan, ang gulo at ingay, ang mga panawagan, ang pagsusungit ng panahon.
            Ako’y nahuhuli sa nagpapanakbuhang mga tao. May naulinigan akong tumatawag na babae, isang babaing mandi’y nakalupasay sa yumayanig na lupa.
            Bagama’t nalilito pa ako’y wala na akong inaksayang panahon. Matulin kong pinanglo ang babae.
            “ Sa simbahaan mo ako dalhin,” anang babae, at kahit sa kadiliman, ang tinig na yao’y angkin lamang ng isang babae….ni  Magdalena.
             Sinagasa ko na ang karimlan. Hindi ko na ghalos malaman ang daraanan. Isang matalim na kiwal ng kidlat ang gumuhit sa kaitaasan at sa saglit na paggitaw ng liwanag ay natambad ang gusali  ng simbahan.
            Halos mapatid ang aking paghinga nang ilapag ko si Magdalena sa simbahan.
            “ Salamat,” ang marahan niyang bulong.
            “ Bakit ka tumawag sa akin sa telepono?” ang nagugulumihanan kong tanong.
            Humihingal siya. “ Hindi ako tumatawag. Ginimbal lamang ako ng lindol kaya ako nanaog.”
            Sa sandaling yaon ay umabot na sa kasukdulan ang mahiwagang pangyayari at samantalang iniisip ko yao’y isang lalaki ang matuling nagdaan sa aking harap at ipininid ang malaking pinto n g simbahan nang matiyak na wala nang nasa labas. Nakamata na lamang ako sa nagaganap sa aking paligid.
            Ang paningin kong galing sa karimlan ay binate ng liwanag at kapayapaan. Di- kaginsa-ginsa, ang mga tinig ay pumailanglang sa katahimikan: buong mga tinig ng nagsisipanalig, nagkakaisang pagdarasal ng mga tao sa gitna ng lagim. Ang buong simbahan ay nagliliwanag na para bang ang lagim sa sansinukob ay hindi makapapasok sa banal  na pook na yaon, na para bang ang tahanan ng pananampalatayang yaon ay ligtas sa mga sakuna ng buhay. Sa kauna-unahang pagkakatao’y natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakaluhod sa tabi ni Magdalena.
            Ngayo’y umaga na. payapa na ang panahon, maaliwalas na ang panginorin. Ang mga pangamba at lagim ng nagdaang gabi’y hindi ko pa rin matiyak kung sadyang kahiwagaan, panagimpan o isang bungang-tulog. Subali’t ngayon, sa kauna-unahang pagkakatao’y nakadama ako ng kapayapaan, isang kapayapaaang noon pa lamang nakapanaig sa aking buhay.







salamt po :)
Meriepotzzzzz















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento